2 pang hazing victim lumantad
CAVITE, Philippines – HAWAK na ngayon ng pulisya ang dalawa pang biktima ng hazing na nakasabay umano ng namatay na San Beda law student na si Marc Andrei Marcos sa initiation rites sa Cavite noong nakalipas na Linggo.
Sa mini-press conference na isinagawa sa Camp Vicente Lim, Laguna kahapon, sinabi ni Chief Supt. James Melad, Provincial Director ng PRO- CALABARZON, na ikinanta umano ng dalawang biktima na itinanggi muna nilang pangalanan, na si Gian Angelo Veluz ng San Beda Law of College Alabang ang kanilang handler.
Ayon naman kay Sr. Supt. John Cresencio Bulalacao, Cavite Provincial Director, humingi ng tulong sa kaniya ang mga biktima dahil natatakot na umano sa posibleng mangyari sa kanila na bukod sa nalamog ang katawan sa bugbog sa tama ng “paddle” ay nanganganib ang seguridad dahil sa puwedeng balikan ng mga suspek sa hazing.
Bukod dito ay nais lang din umano ng mga itong linisin ang kanilang mga pangalan matapos na mabalitaang kasama sila sa mga lumitaw na suspek sa pagkamatay ni Marcos.
Naniniwala naman ang pulisya na bukod sa dalawang unang neophyte ay lalapit pa sa kanila ang iba pang mga kasama sa hazing upang magbigay linaw sa imbestigasyon.
Sa testimonya pa ng dalawang testigo, siyam umano silang magkakasabay na dumaan sa initiation rites na ikinasawi ni Marcos matapos na hindi makayanan ang pahirap sa hazing Christina Timbang at Michelle Zoleta
- Latest
- Trending