Nene ni-rape slay ng adik

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 14-anyos na nene matapos halayin ay pinukpok pa ng matigas na bagay sa ulo ng di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang adik sa bawal na droga sa loob ng Site 2 ng Labnig Elementary School sa Barangay Labnig sa bayan ng Malinao, Albay kahapon ng madaling-araw. Bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ni Mary Joy Basas, Grade 4 pupil ng Labnig Elementary School. Sa ulat ni P/Supt. Renato Batller, tagapagsalita ng PNP sa Camp Ola, huling namataang buhay ang biktima na nakikipaglamay sa burol ng kamag-anak at nagpaalam sa kanyang ina na ihahatid ang pinsan sa kanilang bahay. Hindi na nakabalik sa lamay ang biktima kung saan natagpuan itong patay na hubo’t hubad at basag ang bao ng ulo.

Show comments