^

Probinsiya

Magpinsan dinedo sa inuman

- Tony Sandoval - The Philippine Star

QUEZON, Philippines - Minsan pang napatunayan na kapag ang alak ay sa ulo inilagay at hindi sa tiyan, disgrasya ang pupuntahan matapos mapatay sa saksak ang magpinsan sa inuman sa Purok San Vicente, Barangay Magsaysay sa bayan ng Lopez, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Lemuel Taracina, 32; at Lesielyn Olanda, 35, habang nasakote naman ang suspek na si Cesar Ba­nagued, 58, marino at nakatira sa Antipolo City, Rizal.

Ayon kay PO2 Christian Magillano, dakong alas-7:30 ng gabi ay nakikipag-inuman ang suspek sa mga kaibigang sina Lemuel, Lesielyn, Leydin Taracina, at Victor Rivadenera subalit nang malasing ito ay naghagis ng bote.

Dahil sa ginawang iyon ng suspek ay sinuntok siya ni Lemuel at naawat naman ng ibang kainuman upang hindi na lumala ang sitwasyon. 

Subalit lingid sa kaalaman ng magpinsan ay palihim na nagtungo sa kusina ang suspek at kumuha ng patalim saka pinagsasaksak ang mga biktima.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY MAGSAYSAY

CESAR BA

CHRISTIAN MAGILLANO

LEMUEL

LEMUEL TARACINA

LESIELYN OLANDA

LEYDIN TARACINA

PUROK SAN VICENTE

VICTOR RIVADENERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with