^

Probinsiya

169 estudyante, nalason

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umaabot sa 169 estud­yante at mga staff ng Ateneo de Davao University ang naratay sa ospital matapos na malason sa inihandang pagkain sa ginanap na Su Generis Leaders Summit sa Davao City kamakalawa. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nilahukan ng 334 estudyante at staff ang nasabing event kung saan matapos manangha­lian ng chicken adobo ay nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka, matinding sakit ng ulo saka pagkahilo kaya isinugod sa Davao Doctors Hospital, San Pedro Hospital at Davao Medical School Foundation Hospital. Sa kabuuang 169 pasyente na nalason hanggang kahapon ay nasa 118 na ang outpatient sa mga ito. Sa pahayag ng ilang estudyante, masama na umano ang amoy ng chicken adobo na ipinakain sa kanila. Samantala, isinailalim naman sa pagsusuri ang sample ng pagkain na pinaniniwalaang kontaminado na kaya nalason ang mga ito.

vuukle comment

ATENEO

CAMP CRAME

DAVAO CITY

DAVAO DOCTORS HOSPITAL

DAVAO MEDICAL SCHOOL FOUNDATION HOSPITAL

DAVAO UNIVERSITY

SAMANTALA

SAN PEDRO HOSPITAL

SU GENERIS LEADERS SUMMIT

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with