25 sundalo ng AFP positibo sa droga
MANILA, Philippines - Umaabot sa 25-sundalo at Cafgu ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nagpositibo sa drug test kaugnay ng patuloy na paglilinis laban sa mga gumagamit ng bawal na gamot sa hukbo, ayon sa opisyal kahapon.
Sa press briefing sa Camp Aguinaldo kahapon, inianunsyo ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., kabilang sa nagpositibo sa paggamit ng illegal na droga ay 19 AFP personnel, 3 Cafgu matapos ang random drug test.
Samantala, ang drug test ay isinagawa kahapon sa may 200 officers, enlisted personnel at mga sibilyang kawani ng bagong tatag na Standing Joint Task Force- National Capital Region (SJTF- NCR) ay tatlo ang positibo kung saan isinasalang na sa confirmatory drug test.
Una nang itinatag ng AFP ang Task Force Moses na tumututok sa drug test ng mga opisyal at tauhan ng AFP noong Hulyo 2011 kung saan aabot sa 359 opisyal, 3, 609 enlisted personnel at 344 civilian employee ang naisalang na sa drug test.
Samantala, sa kasalukuyan ay lumitaw na tatlo ang nagpositibo sa drug test kahapon mula sa SJTF-NCR, ang anti-coup unit ng AFP ay isasailalim sa masusing imbestigasyon at kapag napatunayan sa confirmatory drug test na gumagamit ang mga ito ng bawal na droga ay patatalsikin sa serbisyo.
- Latest
- Trending