ABC president uli bulagta sa tandem
LAGUNA, Philippines – Isa na namang barangay chairman na tumatayong ABC president matapos ratratin ng riding-in-tandem sa main road ng United San Pedro Subdivision (USPS), Barangay San Antonio sa San Pedro City, Laguna noong Lunes ng hapon.
Base sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Gilbert Cruz, Laguna PNP director, nakilala ang biktima na si Chairman Art Hatulan na kinikilala ring ABC president ng Sangguniang Bayan sa nabanggit na lungsod.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, bandang alas-5:45 ng hapon nang tambangan ang biktima habang lulan ng government vehicle (SJV 444) na minamaneho ni Florante Trinidad pagsapit sa main road ng USPS.
Kaagad namang isinugod sa Beato Hospital sa Barangay Tunasan, Muntinlupa City ang biktima kung saan idineklarang patay matapos subukang i-revive ang buhay nito ni Dra. Melissa Mallare.
Kasunod nito, nakahandang magbigay ng P.2 milyong pabuya si Mayor Calixto Cataquiz at karagdagang P.2 milyon naman kay Laguna Gov. ER Ejercito sa makakatulong at makakapagtuturo sa kinaroroonan ng gunmen upang maresolba ang krimen.
Sa tala ng pulisya, si Hatulan ay ikalawang ABC presidente na ang itinumba ng tandem nitong Hulyo 2012 kung saan ang una ay si Dennis Ali na pinagbabaril naman sa bahagi ng Poblacion sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao noong Miyerkules ng umaga (Hulyo 25).
- Latest
- Trending