Barangay tanod nilikida

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 36-anyos na barangay tanod matapos itong dukutin ng mga di-kilalang kalalakihan sa Barangay Maanahao sa bayan ng Palana, Masbate kamakalawa. Lumilitaw na nagpapahinga ang biktimang si Rosejean Rondina sa labas ng bakuran ng kanilang bahay kasama ang kanyang pamilya nang kaladkarin kung saan wala namang nagawa ang kanyang pamilya. Sa liblib na bahagi ng barangay na may ilang metro lamang ang layo sa kanyang bahay niratrat ang biktima.

Show comments