Problemado sa syota, nagbigti

QUEZON, Philippines  - Pinaniniwalaang problema sa syota kaya nagbigti ang 41-anyos na tomboy sa loob ng kanilang ta­hanan sa Barangay Mamala 2 sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng umaga. Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuan ang nakabiting katawan ni Ma. Julie Remo. Sa imbestigasyon ni PO2 Pedrito Mendoza, sinasabing may matinding problema ang biktima sa kanyang syota na overseas Filipino worker. Napag-alamang kinakitaan ang biktima ng pagkabalisa at hindi makausap dahil sa sinasabing problema sa girlfriend. Bandang alas-3 ng madaling-araw nang magpasalubong kay kamatayan ang biktima habang tulog ang kanyang mga kasama sa bahay.

Show comments