46 barangay lubog sa tubig-baha
BULACAN, Philippines – Aabot sa 46 barangay sa anim na bayan at isang lungsod sa lalawigan ng Bulacan ang lumubog sa tubig-baha dahil sa patuloy na buhos ng ulan dulot ng bagyong Gener simula noong Sabado.
Ayon sa ulat ni Liz Muncal ng Provincial Risk Reduction and Management Council, kabilang sa bayan na naapektuhan ng tubig-baha ay ang mga bayan ng San Miguel, Obando, Balagtas Hagonoy, Sta. Maria, Marilao at ang dalawang lungsod ng Malolos at Meycauayan.
Naapektuhan din ang 14 barangay sa bayan ng San Miguel habang walong barangay naman sa bayan ng Obando.
Sa bayan ng Balagtas ay isa mga barangay ang lubog sa tubig-baha habang anim na barangay sa Meycauayan City at sa bayan ng Hagonoy ay aabot sa 12 barangay ang naapektuhan din.
Sa bayan ng Marilao ay 5 barangay at sa Sta. Maria isa pa lamang barangay habang wala pang napaulat na nawawala o namatay sa pananalasa ng bagyong Gener.
Lumawak ang pananalasa ng tubig-baha matapos magpakawala ng tubig ang Ipo Dam sa bayan ng Norzagaray dahil sa malapit na sa critical water level habang ang ilang bayan ay naapektuhan naman dahil sa patuloy na buhos ng ulan kung saan sinabayan ng high tide.
Samantala, sinuspinde ang klase sa mga elementary at high school mula sa pribado at pampublikong.
- Latest
- Trending