Koleksyon ng buwis, tututukan
SUBIC BAY FREEPORT, Philippines – Nangako ang bagong hirang na district collector ng Bureau of Customs (BoC) sa Port of Subic na itataas nito ang propesyunalismo sa lahat ng kawani ng tanggapan kasabay ang pagpapataas ng koleksyon sa buwis. Sinabi ni BoC District Collector Carmelita Talusan na magpapatupad siya ng mga panuntunan na makakatulong sa Port of Subic. “Gusto kong malampasan ang nagawa ng nakaraang administrasyon, o kahit mapantayan man lamang ito. At dahil dito magkakaroon ng pagbabago sa pamamaraan at mas maraming pagpapaunlad,” wika ni Talusan. Kabilang sa mga tinuran ni Talusan ay ang pagsama nito sa ilang operasyon kasama ang mga tauhan sa mga entry at exit points ng mga kargamento sa Subic. Gayundin, aatasan niya ang lahat ng examiner na magpakuha ng larawan na nagpapakita habang isinasagawa nito ang pag-eksamin sa kargamento.
- Latest
- Trending