Eroplano bumagsak, 2 grabe

IBA, Zambales, Philippines  – Dalawa ang iniulat na nasugatan makaraang aksidenteng bumagsak ang isang single-engine na eroplano sa dalampasigan ng Brgy Lipay Dingin Panibuatan sa bayang ito kahapon.

 Kinilala ni Officer in Charge Capt Carlos Alvez,Director ng All-Asia Aviation Academy ang mga sakay na piloto at estudyante na sina Capt John-Paul Merrera, pilot instructor at Divyan Mahin, isang Indian national student.

Sa isinagawang imbestigasyon, dakong ala-1:19 ng hapon akmang papalapag na umano ang eroplanong  RPC-1939 sa airport  ng mamatay ang makina nito na naging sanhi ng pagbulusok nito sa dagat.

 Agad naman isinugod sa Sta Cecilia Medical Center ang mga biktima na nagtamo ng  mga sugat at bali sa katawan. Samantala sa tulong ng mga residente agad namang na rescue ang mga biktima na ligtas na sa kapansanan natamo.

Show comments