^

Probinsiya

3-katao utas sa kuryente

- Jonie Capalaran - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Tatlo katao na pawang magkakamag-anak ang kumpirmadong nasawi habang dalawa pa ang nasugatan makaraang aksidenteng makuryente habang nagtatayo ng gripo sa Brgy. Baseco, Mariveles, Bataan kamakalawa ng tanghali.

Sa ulat ni Supt. Joel Tampis, hepe ng Mariveles Municipal Police Station, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Engineer Amado Fulgencio Sr., 56-anyos at dalawang pamangkin nito na sina Roman Rivera, 39 at Kelvin John Ison, 20 anyos; pawang residente ng nabanggit na lugar.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatang sina Amado Fulfencio Jr., anak ng nabanggit na inhinyero at pamangkin nitong si Engineer Jason Restonis na kapwa nasa maayos ng kalagayan.

Sina Kelvin at Roman ay kapwa idineklarang dead on arrival sa pagamutan at binawian naman ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Maheseco Hospital si Amado.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Joquel Sampang, may hawak ng kaso, dakong alas 11:10 ng tanghali kasalukuyang abala ang mga biktima sa pagtatayo ng gripo sa compound ng mga Fulgencio ng aksidenteng tumama ang metal pipe na hinihila ng mga ito sa isang live wire ng electric post.

vuukle comment

AMADO

AMADO FULFENCIO JR.

ENGINEER AMADO FULGENCIO SR.

ENGINEER JASON RESTONIS

JOEL TAMPIS

JOQUEL SAMPANG

KELVIN JOHN ISON

MAHESECO HOSPITAL

MARIVELES MUNICIPAL POLICE STATION

ROMAN RIVERA

SINA KELVIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with