Mister iniwan ni misis, nag-suicide

LUCENA CITY, Philippines – Winakasan ng isang 36 anyos na mister ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na ito ay iwan ng kanyang misis dahilan sa kawalan nito ng trabaho, kamakalawa ng umaga sa Purok Pagkakaisa, Jael Subdivision, Brgy Ilayang Iyam ng lungsod.

Isa ng malamig na bangkay at nakabitin pa sa kisame ng kanilang bahay nang ma­tagpuan dakong alas-6 ng umaga ang biktimang si Harry Lubusta.

Ayon kay SPO1 Aldin Andres, bago isinagawa ng biktima ang pagpapatiwakal ay nagkaroon ito ng problema sa mga gastusin sa kanilang bahay dahil sa kawalan nito ng trabaho hanggang sa iwan ng kaniyang maybahay.

Ipinalalagay ng mga kamag-anak ng biktima na dahilan sa sobrang depres­yon ay hindi ito nakayanan ng naturang mister kaya nagpasyang tapusin ang kaniyang buhay.

Show comments