CAVITE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 52-anyos na misis matapos balutan ng plastic ang kanyang mukha para hindi makahinga kahapon ng umaga sa Barangay Salawag, Dasmarinas City sa Cavite. Bandang alas-7:30 ng umaga nang matagpuan sa loob ng kuwarto ang bangkay ng biktimang si Pacita Franco ng Block 8, Lot 37, Phase 3, San Marino Homes. Sa salaysay ng anak na si Julie sa imbestigador ng pulisya na si PO3 Rez Alovera, na depress ang biktima simula pa noong Abril at sumailalim sa pagsusuri ng doktor. Pinaniniwalaang nawala sa katinuan ang biktima kaya nagawa ang hindi inaasahang pangyayari.