5 hepe ng pulisya sibak sa jueteng

Manila, Philippines - Lima pang hepe ng pulisya sa Kabikulan at  Pangasinan ang sinibak sa puwesto matapos masampulan ng one strike policy versus jueteng na nabi­gong masugpo ang illegal number game sa kanilang nasasakupan.

Kabilang sa mga sinibak sa puwesto ay sina P/Senior Inspector Timothy Arciso Jr. ng bayan ng Sta. Elena; P/Supt Allan Ramos  ng Daet na kapwa nasa Camarines Norte; P/Senior Inspector Dominick Pob­lete ng Mapandan, Pa­ngasinan; P/Chief Inspector Erwin Doman ng Castilla, Sorsogon; at si P/Senior Inspector Joselito Gapan ng Juban, Sorsogon.

Ang mga ito ay sinibak alinsunod sa direktiba ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robrero na mahigpit na pinatututukan ang kampan­ya laban sa illegal number game.

Una nang ipinag-utos ni PNP Chief Director Ge­neral Nicanor Bartolome ang pagpapatupad ng one strike policy campaign sa mga hepe ng pulisya laban sa jueteng sa kanilang hurisdiksyon.

Show comments