^

Probinsiya

ARMM registration binomba: Mag-ina nadale

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ginulantang ng pagsa­bog ang isinasagawang voters registration sa ARMM matapos na sumabog ang granada na inihagis ng ri­ding-in-tandem na ikinasawi ng batang babae habang sugatan naman ang ina nito sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Col. Prudencio Asto, hepe ng Public Affairs Office ng Army’s 6th Infantry Division ang mag-ina na sina Samsiya Pangilan, 27; Agata Pangilan, 7.

Bandang alas-3:30 ng hapon nang maghagis ng granada ang hindi pa nakilalang lalaki na pinaniniwalaang nais guluhin ang voters registration sa re­gistration center ng Comelec sa Multi Purpose Building sa Barangay Kuloy, Shariff Aguak.

Gayunpaman, sumablay ang granada na bumagsak sa harapan ng tindahan na pag-aari ni Norhata Sampulna na may 10-metro ang layo sa voter’s registration kung saan nadale ang mag-ina.

Kapwa isinugod sa ospital ang mag-ina  pero nabigong maisalba ang buhay ng bata.

Kaugnay nito, naghigpit ng seguridad ang militar at pulisya upang mapigilan ang posible pang mga karahasan sa voter’s registration sa ARMM na magtatapos ngayong Miyerkules.

vuukle comment

AGATA PANGILAN

BANDANG

BARANGAY KULOY

INFANTRY DIVISION

MULTI PURPOSE BUILDING

NORHATA SAMPULNA

PRUDENCIO ASTO

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

SAMSIYA PANGILAN

SHARIFF AGUAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with