2 bulagta sa holdapan

BATAAN, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na napaslang matapos pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa naganap na holdapan sa Barangay Townsite sa bayan ng Mariveles, Bataan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Se­nior Supt. Ricardo Zapata, hepe ng Mariveles PNP ang mga biktimang sina Marcelina Melanio, 65, may-ari ng tindahan sa Highway 54 sa Barangay Cabcaben, Mariveles; at Michael Villaflores, 37, marino, ng Narra Street, Barangay Mt. View Mariveles. Lumilitaw na lulan ng trike si Melanio patungo sa kanyang tindahan nang harangin at holdapin ng dalawang kalalakihan. Tumangging ibigay ni Melanio ang bitbit na bag kaya niratrat. Sa pag-aakalang pulis naman ang lulan ng motorsiklo na tangkang sumaklolo ay niratrat at napatay din ng mga holdaper.

Show comments