^

Probinsiya

Operator ng minahan sumuporta sa greening program

- Randy Datu - The Philippine Star

SANTA CRUZ, Zambales, Philippines – Tinatayang aabot sa 40,000 seedling ng iba’t-ibang uri ng puno ang ipinunla ng Benguet Corp Nickel Mines Inc. kaugnay sa National Greening Prog­ram sa bayan ng Santa Cruz, Zambales.

Ayon kay Marcelo Bolano, senior vice-president ng Benguet Corporation Inc., may-ari ng BNMI ang nasabing programa ay bilang suporta sa greening program 2012 na pinasimulan ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng DENR-EMB at DENR –MGB.

Katuwang ng BNMI sa tree planting program ang PNP-Special Action Force mula sa Maynila, Impala Security Group, lokal na opisyal ng bayan ng Sta. Cruz, kasama ang DENR-Community Environment Natural Resources Office (CENRO), Masinloc, Zambales, at DMCI na nagkaloob ng punla.

Una rito, inatasan ng DENR Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang BNMI na magtanim ng 500 tree seedlings kada ektarya sa loob ng 100 ektarya o katumbas ng 50,000 seedlings sa loob ng tatlong taon simula 2012.

Sa ngayon, umaabot na sa 79,232 seedlings ang naitanim ng BNMI kung saan madadagdagan pa ng 20,000 seedlings sa Agosto 12 sa pagdiriwang ng Benguet Corp.’s 109th anniversary.

Ayon pa kay Bolano, bagama’t patuloy ang usapin sa pagmimina sa bansa ang BNMI ay patuloy sa adbokasiya nito sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa mga programang pangkalikasan.

AYON

BENGUET CORP

BENGUET CORP NICKEL MINES INC

BENGUET CORPORATION INC

COMMUNITY ENVIRONMENT NATURAL RESOURCES OFFICE

IMPALA SECURITY GROUP

MARCELO BOLANO

MINES AND GEOSCIENCES BUREAU

NATIONAL GREENING PROG

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with