^

Probinsiya

Mag-asawang OFW dinedo

- Raymund Catindig - The Philippine Star

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Napaslang ang mag-asawang overseas Filipino worker (OFW) mula sa Hongkong matapos pagsasaksakin at pagtatagain ng kanilang dating kapitbahay sa Barangay Little Tadian sa bayan ng Alfonso Lista, Ifugao kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Insp. Edgar Tapo, hepe ng pulisya ang mag asawang sina Samuel at Luzviminda Cadiente na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na namili ang mag-asawa sa kalapit ba­yan ng Aurora, Isabela nang matiktikan ng magpinsang suspek na sina Melvie Sallaya at Darmo Wasigan na kapwa naninirahan sa kabundukan ng Paracelis, Mountain Province.

Animo’y tinadtad na karne ng baboy ang katawan ng ginang habang nagawa pa ng kanyang mister na isiwalat ang pa­ngalan ng mga suspek bago nalagutan ng hininga sa ospital.

Nilimas ng mga suspek P150,000 cash na inipon pa ng misis mula sa Hongkong at mga alahas na nagkakahalagang P30.000.

Nakipag-ugnayan na ang pulisya sa ilang pinuno ng tribo para masakote ang suspek.

vuukle comment

ALFONSO LISTA

BARANGAY LITTLE TADIAN

DARMO WASIGAN

EDGAR TAPO

IFUGAO

ISABELA

LUZVIMINDA CADIENTE

MELVIE SALLAYA

MOUNTAIN PROVINCE

SENIOR INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with