13-anyos ni-rape ng trader

BULACAN, Philippines  – Rehas na bakal ang binagsakan ng 56-anyos na negosyante makaraang ireklamo ng 13-anyos na mag-aaral na babae sa kasong panghahalay sa Barangay Bancal sa Meycauayan City, Bulacan, ayon sa ulat kahapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Diego Sanchez, tubong Marilao at nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa reklamo ng ina ng biktima, apat na ulit na hinalay ng suspek ang kanyang anak kung saan pinagbantaang papatayin kapag nagsumbong sa kinauukulan. Hindi naman natakot ang biktima sa pagbabanta ng suspek at ipinaabot sa kanyang mga magulang ang krimen.

Show comments