Manhunt vs 3 killer ng CIS agent

Manila, Philippines - Nagpalabas na kahapon ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng malawakang manhunt operation laban sa tatlong suspek na responsable sa pamamaslang sa Community Investigative Support (CIS) agent noong Huwebes sa Davao City. Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao Jr., ang biktima na si Faustino Evangelio habang tugis naman ang mga suspek na sina Alex Tugado, Elisito Tillo na kapwa security guard ng EDSA Security Agency at ang itinuturong  gunmen  na si Jerry  Evangelio, may-ari ng COTPLAS Industries Corp. Lumilitaw na ang pagpatay kay Evangelio ay nag-ugat sa alitan ng kaniyang pinsang si Jerry hinggil sa ari-arian na inaangkin ng suspek. Ang biktima ay pinagbabaril ng mga suspek sa Toril District, Davao City.

Show comments