^

Probinsiya

2 pupil nalunod

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines - Dalawang magpinsang elementary pupil ang nasawi matapos malunod habang na­liligo sa ilog sa Brgy. Balaring, Silay City, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Michael Castillo, 10-anyos, Grade IV pupil at pinsan nitong si Rommel Mulitin, 12 anyos at Grade VI; pawang ng Balaring Elementary School.

Batay sa ulat ng Negros Occidental Police, naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon matapos na mag ‘cutting-class’ ang magpinsan kasama ang kanilang kaibigan at kapwa mag-aaral na si Gino Cordero na naligo sa ilog sa lugar.

Gayunman sa gitna ng pagtatampisaw sa tubig ay tinangay si Castillo ng malakas na agos sa ilog kung saan ay tinangka naman itong sagipin ni Mulitin pero kapwa nalunod ang magpinsan.

Nagresponde naman ang mga rescue team ng lokal na pamahalaan na nagawang maiahon ang katawan ng mga bata sa ilog pero idineklara ang mga itong-dead-on arrival na sa pagamutan.

vuukle comment

BALARING

BALARING ELEMENTARY SCHOOL

BATAY

BRGY

GINO CORDERO

MICHAEL CASTILLO

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL POLICE

ROMMEL MULITIN

SILAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with