Whistle blower sa illegal mining inutas
CAMARINES NORTE, Philippines – Binistay ng bala ang isang financer ng small scale mining makaraang ibunyag nito sa isang lokal na himpilan ng radyo ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno na tumatanggap ng payola sa illegal mining sa naganap na karahasan sa Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sa insidente sa tinamong mga tama ng bala ng cal. 45 pistol ang biktimang si Sammy Amargo, 41 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Palanas ng bayang ito.
Ayon sa pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi habang ang biktima ay lulan ng kaniyang Ford pickup na papasok na sa garahe ng kanilang bahay sa lugar ng pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem na nakasuot ng helmet.
Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw na sumapul sa katawan ng biktima habang mabilis namang nagsitakas ang mga salarin. Narekober sa crime scene ang 17 basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
Matatandaan na noong nakalipas na buwan ay ibinulgar ng biktima sa himpilan ng PBN DZMD AM, isang lokal na radio station ang umano’y mga tiwaling opisyal ng gobyerno na tumatanggap ng payola mula sa mga illegal miners.
- Latest
- Trending