4 dakma sa 140 kilong botcha

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang apat-katao matapos makum­piskahan ng 140 kilong botchang karne ng baboy sa pamilihang bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/CInsp.Alfonso Cruz ang mga suspek na sina Roderick Polintan, 37, ng Brgy.Wawa, Balagtas; Imelda Del Valle, 43; Mercedita Caballero, 45, at si Thelma Ferrer, 32, pawang nakatira sa Brgy.Tuktukan sa bayan ng Guiguinto.  Lumilitaw na nagsagawa ng on the spot inspection ang pulisya kasama si Rosel Dizon ng National Meat Inspection Services sa ilang tindahan sa Fortune Market sa Brgy.Wawa dahil sa reklamo ng ilang mamimili. Nang mapagawi sa puwesto ng mga suspek ang mga awtoridad ay agad na napansin ang kakaibang kulay at amoy ng mga itinitindang baboy na walang kaukulang permiso kaya dinakma at kinasuhan.

Show comments