^

Probinsiya

Mag-utol na trader dedo sa akyat-bahay

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Napaslang ang magkapatid na matandang negos­yante makaraang pagsasaksakin ng mga di-kilalang kalalakihan na sinasabing notoryus na miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa bayan ng San Miguel, Surigao del Sur kamakalawa.

Nagtamo ng dalawang malalim na saksak sa katawan si Helen More Consigra, 62, habang ang kapatid nitong si Rosalina More Janohan, 51, ay may walong saksak at kapwa magkasosyo sa sari-sari store at gold buying.

Sa ulat na nakarating kay Caraga spokesman P/Supt. Martin Gamba, naganap ang insidente pasado alas-7 ng gabi sa tindahan ng magkapatid sa Brgy. Bolhoon.

Sinamantala ng mga kawatan ang malakas na buhos ng ulan nang pasukin ang sari-sari store ng mga biktima saka nagdeklara ng holdap.

Nanlaban naman ang magkapatid kaya nairita ang mga suspek at isinagawa ang krimen.

Mabilis na nagsitakas ang mga kawatan tangay ang P.3 milyong cash, tatlong sako ng bigas  at iba pang groceries.

AKYAT-BAHAY GANG

BOLHOON

BRGY

CARAGA

HELEN MORE CONSIGRA

MABILIS

MARTIN GAMBA

NAGTAMO

ROSALINA MORE JANOHAN

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with