Bus vs ambulance: 3 todas

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang magbanggaan ang ambulansya at pampasaherong bus sa national highway ng Sitio Tublijon, Barangay Rizal West District, Sorsogon City  noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Benjie Guarte, 30, driver ng ambulansya; Marilyn Ladimo at si Sarah Jane Enano.

Samantala, ang mga na­sugatan na pawang sakay ng ambulansya (SKP-945) na pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Juban, Sorsogon ay sina Lerma Iglesia, Jenny Villamor, 16; at Marissa Enano, 27.

Wala namang naiulat na nasugatan sa mga lulan ng Elavil Bus (TXX-476) ni Noel Pacala, 40, ng Daet, Camarines Norte.

Napag-alaman na patu­ngo sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Albay ang ambulansya na magdadala sana ng pasyente na isa sa mga sakay nito nang makasalubong ang trahedya. Ed Casulla at Joy Cantos

Show comments