Bus vs bus: 13 kritikal

LEGAZPI CITY, Albay, , Philippines  – Labintatlo-katao ang malubhang nasugatan matapos salpukin ng pampasaherong bus ang likurang bahagi ng isa pang pampasaherong bus sa Andaya Highway, Barangay Cabatugan sa bayan ng Lupi, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Isinugod naman sa Sipocot District Hospital ang mga biktimang sina Jeo Frando, Jordan Fulgar, Rosalyn Soquilon, Cherry Gabito, Edna Larce, Baylo Cleofe, Carlo Fuentes, Beata Gojar, Facistio Gojar, Goray Elfedio Jr., Angelica Villanueva, Balisacon Quintin, at si Norie Tuazon. Lumilitaw na pansamantalang huminto ang Elavil Bus (TYS-744) Ireneo Fulla para magsakay ng pasahero na patungong Maynila. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinalpok ng Mark Eves Bus (EVS 342) ni Renato Mayor ang likuran ng Elavil Bus. Dito na tumakas ang driver na si Mayor matapos ang insidente.

Show comments