Mister isinako, itinapon sa dagat

CEBU CITY, Philippines – Naaagnas na bangkay ng 46-anyos na mister na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuang nakalutang sa karagatang sakop ng Barangay Lambog sa bayan ng Badian, Cebu kamakalawa. Ayon kay PO2 William Beltran, lumilitaw na nangingisda si Agaton Tejada nang maispatan nito ang lumulutang na sako. Kaagad naman nilapitan ni Tejada ang sako kung saan nadiskubreng nakasilid ang bangkay ni Carmilo Caputol kaya ipinagbigay-alam sa pulisya. Nagtamo ng palo sa ulo ang biktima bago isinako at itinapon sa dagat. Hu­ling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa tindahan, may limang araw na ang nakalipas. Freeman News Service

Show comments