Ambush: Datu, escort sugatan

Manila, Philippines -  Sugatan ang lider ng tribu at pulis na escort nito makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng Barangay Katipunan sa bayan ng Veruela, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon. Naisugod naman sa Tagum Medical Center ang mga biktimang sina Datu Freddie Asuncion at PO1 Vergil Sabuero ng Provincial Public Safety Company ng Agusan del Sur PNP. Sa police report, lumilitaw na escorted ng mga operatiba ng pulisya ang grupo ng mga opisyal ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at mga lokal na opisyal ng Agusan del Sur nang tambangan ng mga nakaposisyong rebelde sa kahabaan ng Km21 at Km 22 sa nabanggit na barangay. Nagawa namang makipagpalitan ng putok ng ilang police escort kung saan tumagal ng 30-minuto bago nagsitakas ang mga rebelde

Show comments