Rider nabagsakan ng sanga, dedo

QUEZON, Philippines - Napisak ang katawan at namatay ang 36-anyos na motorcycle rider matapos na mabagsakan ng sanga ng puno ng kahoy sa Maharlika Highway sa Barangay Lumingon, Tiaong sa Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Romulo Dando, latero at nakatira sa San Pablo City, Laguna. Sa ulat ni PO2 Niño Cristobal Narvaez, nagmomotorsiklo ang biktima na patungong bayan ng Tiaong mula sa San Pablo City nang mabagsakan ng malaking sanga ng punungkahoy na dulot ang malakas na hangin. Nagdulot pa ng halos isang oras na pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga sasakyan dahil sa nasabing freak accident.

Show comments