^

Probinsiya

Sex tiangge sa Batangas

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi lamang sa mga night club at massage parlor sa Metro Manila nauuso ang prostitution den kundi maging sa bayan ng Nasugbu, Batangas ay kuma­lat ang tinaguriang sex tiangge.

Ito ang isiniwalat kahapon ni P/Supt Emma Libunao, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group –Women and Children Protection Division (CIDG-WCPD) ang bagong modus operandi ng flesh trade na binansagang sex tiangge sa bayan ng Nasugbu, Batangas.

Ayon kay Libunao, ang sex tiangge ay panibagong istratehiya ng mga sindikato ng human trafficking  na nadiskubre sa inilatag na raid kung saan aabot sa 28 kababaihan kabilang ang dalawang menor-de-edad ang nailigtas.

Ang modus operandi ng sindikato ay dalhin sa kubo o kaya naman sa mga waiting shed ang grupo ng mga kababaihan kung saan kukunin ng parukyanong mahilig sa panandaliang–aliw.

“They could even haggle for the price through middlemen but the lowest price based on our raid in Batangas is P1,500 per woman,” ayon sa opisyal kung saan ang mga kababaihang ibinubugaw sa sex tiangge ay 14 hanggang 25-anyos.

Samantala, may discount naman ang kustomer kung tatlo hanggang apat na babae ang kukunin ng mga ito sa sex tiangge.

Inihayag pa ni Libunao na bukod sa pagkakasiwalat ng sex tiangge sa nabanggit na bayan ay may natanggap din silang impormasyon na nagaganap rin ito sa iba pang panig ng bansa.

AYON

BATANGAS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

INIHAYAG

LIBUNAO

METRO MANILA

NASUGBU

SUPT EMMA LIBUNAO

WOMEN AND CHILDREN PROTECTION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with