Pupil sinampal ng guro

LAOAG CITY, Ilocos Norte, Philippines  – Nalalagay sa balag ng alanganin ang isang elementary school teacher matapos ireklamo ng kanyang mag-aaral dahil sa pananampal gamit ang tsinelas sa loob ng klasrum. Pinatawag na si Maricris Gacula, 4th grade teacher sa Banna Central Elementary School sa bayan ng Banna, Ilocos Norte para humarap sa department office matapos ireklamo ni Rebecca Ma­ngoba, ina ng fourth grader.

Ayon kay Department of Education Banna district supervisor Joseph Rommel Andres, si Mangoba ay nag-sumite ng pormal na reklamo sa Education department laban sa nabanggit na guro na sinasabing nairita kanyang mag-aaral na nagsalita ng hindi maganda laban sa kanya.

Base sa ulat, si Gacula ay nanampal ng bata ga­mit ang tsinelas na goma.

Nabatid din na hindi na pumapasok ang batang nagkasakit dahil sa naganap na insidente habang si Gacula naman ay nakabakasyon ng 5-araw.

Show comments