Nene ni-rape ng marino

BULACAN, Philippines  – Rehas na bakal ang binagsakan ng 48-anyos na balikbayang marino matapos arestuhin ng pulisya sa kasong panghahalay sa 10-anyos na nene sa Barangay Graceville sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Constante Tebia Jr., 48, ng Villa San Jose sa nabanggit na barangay. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Reniel Valones, lumilitaw na hinikayat ng suspek ang biktima na sumama sa kanyang bahay matapos alukin ng humburger. Sa loob ng bahay ng suspek naganap ang maitim na balak. Nabatid na pinagbantaan ang biktima subalit nagsumbong pa rin sa kanyang mga magulang kaya naaresto ang susperk.

Show comments