4 dakma sa buy-bust

MANILA, Philippines - Kalaboso ang apat-katao kabilang ang turistang Kano matapos masakote ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency sa inilatag na buy-bust operation sa Purok 3, Barangay Matain sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina John Ronald Haas, 57, ex-US Navy, ng Palenzuela Compound, Baloy Long Beach, Barangay Barreto, Olongapo City; Joy Villar, 21; Jennifer Yanson, 31; at si Arvin Paner. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Jelson Dayupay, isinagawa ang operasyon sa tahanan ni Paner kung saan naaktuhan ang mga suspek sa pot session. Nasamsam sa mga suspek ang 3- plastic sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia.

Show comments