Suspek sa tangkang pagpatay sa ex-BM, tiklo

CAVITE, Philippines — Arestado ang pangunahing suspek sa tangkang pagpatay sa dating miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa inilatag na operasyon ng pulisya sa Barangay Niog 1, Bacoor, Cavite kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Marlon “Kidlat” Eusebio, 34 residente sa  nasabing barangay. Si Eusebio ay dinakma sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Eduardo Israel Tangcuanco ng Bacoor Regional Trial Court Branch 89 sa kasong frustrated murder at physical injuries. Ang suspek ay kinasuhan kaugnay sa tangkang pagpatay sa ex-BM na si Jun Del Rosario may 10 taon na ang nakalipas.

Show comments