Pader gumuho, obrero dedo

BULACAN, Philippines - Napisak ang 22-anyos na obrero matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa Barangay Panginay, Guiguinto, Bulacan kahapon ng umaga. Hindi na umabot pa ng buhay sa Balagtas Doctors Hospital ang biktimang si Russel Moong ng Sitio Ibayo, Barangay Panginay. Sa imbestigasyon ni PO3 George Lopez, nasa gawing ibaba ng bahay ang biktima nang biglang gumuho ang pader na bagong semento. Dito na nabagsakan ang biktima kung saan tumama sa ulo ang bloke ng semento at bakal. Nangako naman ang may-ari ng bahay na si Atty. Antonio Roque na sasagutin ang gastusin kabilang ang burol at pagpapalibing sa biktima.

Show comments