2 tinedyer utas sa kidlat

RIZAL, Philippines – Dalawang tinedyer ang iniulat na nasawi habang anim iba pa ang sugatan matapos tamaan ng matalim na kidlat kamakalawa ng tanghali sa bayan ng San Mateo, Rizal. Kinilala ni P/ Supt. Ruben Piquero, hepe ng San Mateo PNP ang mga biktimang nasawi na sina Pipoy Cristobal, 15; at Jepoy Cariaga, 18. Naisugod naman sa Amang Rodriguez Medical Center ang mga sugatang sina Mark Vincent Morales, Ulysses Morales, Eli Morales, at si Alfredo Cristobal. Sa ulat ng pulisya, dahil sa ma­lakas na ulan noong Lunes ng tanghali ay sumilong sa kubol sa gilid ng San Mateo River ang mga biktima kasama ang dalawang nasawi na tatawid sana sa kabilang ilog. Dito na tinamaan ng kidlat ang kubol at sabay-sabay na tumalsik ang mga biktima kung saan napuruhan sina Cristobal at Cariaga.

Show comments