MANILA, Philippines - Bulagta ang tatlong armadong kalalakihan na sinasabing mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na sangkot sa talamak na pangongotong sa residente makaraang makipagbarilan sa tropa ng militar sa Barangay Kulaman, Jose Abad Santos sa Davao del Sur kamakalawa. Kinilala ni Army’s 10th Infantry Division spokesman Lt. Col. Lyndon Paniza ang mga napatay na rebelde sa mga alyas Marvin, Bobong at alyas Berting. Bandang alas-7 ng umaga ng makasagupa ng tropa ng Peace and Development Teams ng Army’s 73rd Infantry Battalion at 1002nd Infantry Brigade ang grupo ng mga rebelde sa bisinidad ng Sitio Data D’lag. “Their cadavers and the recovered firearms were transported by the Philippine Air Force helicopter for proper disposition,” ani Lt. Col. Adolfo Espuelas Jr., commander ng Army’s 73rd Infantry Battalion.