4 mangingisda nawawala

MANILA, Philippines - Apat sa walong mangingisda ang iniulat na nawawala matapos salpukin ang kanilang bangka ng barko ng Tsino na naka-angkla sa artificial fish sanctuary sa karagatang sakop ng Pangasinan noong Sabado. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, kinilala ang apat na sina Fred Celino, Arnold Garcia, Domy delos Santos at Amante Resonable na pawang nakatira sa bayan ng Bolinao, Pangasinan. Nailigtas naman ng Magsingal PNP ang apat na sina Edimio Balmores, Herman Balmores, Celino Damian, at isang nagngangalang Christopher, kung saan dinala sila sa Gabriela Silang General Hospital sa Ilocos Sur. Nabatid na tumawag ang operator ng bangka kay Axl John kung saan ipinaabot naman sa kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan ang insidente.

Show comments