^

Probinsiya

Welder kisay sa kuryente

- Tony Sandoval - The Philippine Star

QUEZON, Philippines  - Nauwi sa trahedya ang unang araw sa trabaho ng 21-anyos na computer engineering graduate matapos na ito ay makuryente habang nagwe-welding sa construction site sa Barangay Masin Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon, kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Peter Paul Hospital ang biktimang si Carlo Pagal Buan. Sa imbestigasyon ni PO2 Archivald Real, dakong ala-1:30 ng hapon ay nasa LMI Construction ang biktima upang pumasok sa unang araw ng trabaho bilang welder. Gayon pa man ay hindi sanay sa kauna-unahang trabaho ay napahawak ang biktima sa talop na kable ng welding machine hanggang sa makuryente at magkikisay. Binanggit sa ulat na nagpasya ang biktima na pumasok bilang welder sa construction upang makapag-ipon ng pera sa kanyang pagkuha ng pagsusulit.

vuukle comment

ARCHIVALD REAL

BARANGAY MASIN NORTE

BIKTIMA

BINANGGIT

CANDELARIA

CARLO PAGAL BUAN

GAYON

NAUWI

PETER PAUL HOSPITAL

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with