P40-M ari-arian naabo
Manila, Philippines - Umaabot sa P 40 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang 300 establisyemento sa kapitolyo ng Jolo, Sulu noong Huwebes ng gabi. Sa naantalang ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dakong alas-8:45 ng gabi nang magsimula ang sunog kahabaan ng General Arolas Street sa Barangay Walled City. Naapula naman ang sunog matapos na magresponde ang mga bumbero habang inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy. Nakikipagkoordinasyon na rin ang Sulu Provincial Risk Reduction and Management Council (NDRRMC ) sa lokal na pamahalaan upang tulungan ang mga residente partikular na ang mga negosyanteng naapektuhan ng sunog.
- Latest
- Trending