Berdugong Sayyaf commander timbog
MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga awtoridad ang isang berdugong sub commander ng mga bandidong Abu Sayyaf na responsible sa pamumugot ng ulo ni Peruvian American hostage Guillermo Sobero noong 2001 sa isinagawang operasyon sa Zamboanga City kamakalawa.
Kinilala ni PNP-Criminal Investigation Detection Group (CIDG) Director Samuel Pagdilao Jr., ang nasakoteng suspek na si Alawie Pasihul alyas Commander Ustadz Asman, 43 ng Campo Islam sa lungsod na ito.
Bandang alas-3:30 ng hapon ng masakote ng pinagsanib na elemento ng Region 9 CIDG at Intelligence Group lider ng mga bandido sa panulukan ng Sevilla at Zaragosa St., Plaza Pershing, Zamboanga City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
Sinabi ni Pagdilao na si Pasihul ay sangkot sa pagbihag ng 51 katao na mga guro at estudyante, pari sa Sumisip, Basilan noong 2000 pamumugot ng ulo sa biktimang si Sobero na iniregalo ang ulo sa pagdiriwang ng araw ng kasarinlan sa dating administrasyon noong 2000 at sa Cabatangan siege sa Zamboanga City noong 2002.
- Latest
- Trending