Tulak timbog sa P.1 M drug bust

MEYCAUAYAN CITY,   Bulacan, Philippines  – Nagwakas na rin ang mahabang panahong pagtutulak ng droga ng isang lalaking nakatala bilang numero unong drug pusher ka­ sunod ng pagkakaaresto dito matapos na masam­saman ng P.1 M ha­laga ng shabu kamakalawa.

Hindi na nakapalag pa sa mga tauhan ni P/Supt. Hector Samar ang suspek na kinilalang si Arwin Leonardo 31, residente ng Teodora Ville, Brgy. Pandayan sa siyudad na ito.

Bandang alas-8:15 ng gabi ng magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad kung saan nasabat ang suspek habang lulan ng motorsiklong Yamaha Mio na walang plaka.

Nasamsam mula sa sus­­ pek ang 11 sachet ng shabu, di-gital weighing scale, P2,300 piso na pinagbentahan ng droga at iba pa.

Show comments