Police trainee patay sa training
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isang police trainee ang nasawi habang grabe naman ang kasamahan nito matapos na isugod sa pagamutan nang makaramdan ng pagkahilo habang sumasailalim sa Modified Scout Training sa Brgy. Villahermosa, Daraga, Albay, kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si PO1 Kenneth Lorerina, 22, binata, binawian ng buhay habang ginagamot sa Aquinas Hospital at patuloy namang inoobserbahan ang kasamahan nitong si PO1 Noli Pili, 24 ng Bato, Camarines Sur.
Ayon kay PSupt. Renato Ba taller, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 5, na ang mga biktima ay isinugod sa RHS-5 Medical Dispensary, mula sa training camp sa Villahermosa matapos ang mga itong dumaing ng paninikip ng dibdib.
Gayunman, dakong alas-12:25 ng madaling-araw kahapon ay pumanaw na si Lo-rerina na ayon sa mga manggagamot ay sani ng hypoxia o kakulangan ng hangin sa katawan.
Sa kasalukuyan ay ma-susi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kasong ito.
- Latest
- Trending