Manila, Philippines - Napaslang ang isang dating pulis habang apat namang pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng gun-for-hire gang ang nasakote matapos ang shootout sa mga operatiba ng pulisya sa bayan ng Licab, Nueva Ecija kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni PNP-Police Community Relations Group (PNP-PCRG) Director P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang biktima na si ret. SPO2 Lorenzo Bote.
Ayon naman kay PNP-Intelligence Group (PNP-IG) Director P/Chief Supt. Charles Calima, arestado naman sa operasyon ang pinaghihinalaang handler ng mga hitmen at mastermind na kinilalang si Teodoro Ilagan, misis nitong si Juanita; Leonardo Payabyab at isang Joel Diaz.
Bandang alas-4:15 ng madaling-araw, bitbit ang search warrant ay sinalakay ng pinagsanib na elemento ng Intelligence Group, Regional Public Safety Battalion (RPSB) at Nueva Ecija Provincial Police Office ang safehouse ng mga suspek sa bayan ng Licab ng lalawigang ito.
Sa halip na sumuko ay agad pinaputukan pa ng mga suspek ang arresting team kung saan nagkaroon ng mainitang palitan ng putok at dito’y minalas na tamaan ng bala ang nasa-wing si Bote. Narekober sa pinangyarihan ng engku-wentro ang isang Glock 40 pistol, isang cal.45 pistol at isang fragmentation grenade.