P5-M marijuana sinunog

LAGAWE, Ifugao, Philippines   – Aabot sa P5 milyong ha­laga ng marijuana ang sinunog matapos sala­kayin ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency ang malawak na plantasyon sa kagubatan ng Barangay Agbannawag sa Mt. Banga-banga sa Kalinga, ayon sa ulat kahapon. Sa naantalang ulat ng pulisya, umaabot sa 25,000 puno ng marijuana ang nadiskubre matapos ang operasyon noong Hunyo 13. “The uprooted plants were then burned at the site, leaving only a few for evidence purpo­ses,” pahayag ni P/Senior Supt. Froilan de Guzman Perez, Kalinga PNP director.

Show comments