^

Probinsiya

Ama inutas ng anak

- Raymund Catindig - The Philippine Star

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Trahedya ang sumalubong sa pagdiriwang ng Father’s Day matapos pagtatagain hanggang sa mapatay ang 65-anyos na ama ng kanyang anak na lalaki sa bakuran ng kanilang tahanan sa Barangay Centro 2m sa bayan ng Lasam, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Insp. Saturnino Soriano, hepe ng pulisya, ang biktima na si Jaime Malabad Sr. habang naaresto naman ang suspek na si Jaime Malabad Jr. na kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ama matapos punahin ng biktima ang hindi magandang trato nito sa ina habang humihingi ng pulutan.

Naungkat din sa pagtatalo ang pagmamalupit ng ama sa sariling anak mula nang ito ay musmos pa lamang.

Ayon sa imbestigasyon, kumuha ng itak ang ama upang tagain ang kanyang anak subalit naagaw naman ng suspek at pinagtataga ang bao nito na halos mabiyak.

Gayon pa man, isa sa kapatid ng suspek na nakilalang si Maximo ang nagtangkang umawat suba­lit pinagtataga din at sa ngayon ay nasa malubhang kalagayan.

Samantala, ipinagdiwang ng iba pang kaanak ng biktima ang Father’s Day habang nakaburol ang mga labi nito.

vuukle comment

AYON

BARANGAY CENTRO

GAYON

JAIME MALABAD JR.

JAIME MALABAD SR.

KINILALA

LASAM

MAXIMO

SATURNINO SORIANO

SENIOR INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with