Rapist ng 16-anyos kalaboso

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 21- anyos na lalaki matapos maaresto ng pulisya sa kasong rape noong 2010 sa Barangay San Pedro sa bayan ng Hagonoy, Bulacan. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Teresa Mendoza-Arcega ng Malolos City Regional Trial Court Branch 17, nadakma ang akusadong si Jefferson Santos ng Barangay Sagrada Familya sa nabanggit na bayan. Ayon kay PO3 Jayson Salvador, si Santos na nagtago ng ilang taon ay pangunahing suspek sa panggagahasa sa16-anyos na dalaga sa Barangay San Pedro noong Nobyembre 23, 2010.

Show comments