CEBU CITY, Philippines – Pinanini-walaang matinding problema sa ilang negosyo ang motibo kaya kusang nagpasulong kay kamatayan ang 39-anyos na negosyanteng misis matapos mag-dive sa dagat mula sa sinasakyang barko malapit sa Camotes is land noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ng kanyang utol na si Ma. Gladys Teves, 41, ang nag-suicide na si Ma. Gretel Enas, miyembro ng Phil. Benevolent Missiona-ries Association (PBMA) at may negosyong bigasan at Internet café sa Barangay Guizo at may tatlong anak na 3, 4, at 7-anyos.
Nabatid na si Enas ay patungo sana sa San Jose, Dinagat Island sa Surigao lulan ng M/V Pilipinas Dinagat na pag-aari ng Cokaliong Shipping.
Napag-alamang tinangkang tumalon ni Enas sa unang pagkakataon subalit napigilan lamang ng ilang crew ng barko.
Bandang alas-3 ng madaling-araw, hindi na napansin ng mga pahinante ng barko na tuluyang tumalon muli si Enas sa karagatan.
Nabatid din na bago umalis ang biktima ay naikuwento nito sa kanyang utol na mara-ming naiinggit sa kanyang rice business at internet café.
Narekober naman ang bangkay ng biktima sa kara gatan ng Hilongos sa Leyte kahapon ng umaga. Freeman News Service