Lola pisak sa trak

TUGUEGARAO CITY, Philippines —Nasawi ang 54-anyos na lola matapos magulungan ng truck sa matarik na bundok ng Sierra Madre sa Barangay Dimacamu sa bayan ng San Guillermo, Isabela kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leonida Laurentinte ng Barangay Guam ng nasabing bayan. Nabatid na nakasakay ang biktima sa Isuzu Elf Truck na karaniwang bumibiyahe paakyat ng kabundukan. Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng mechanical trouble ang truck ni Rolando Lemon Jr. habang paakyat sa matarik na bahagi ng kalsada. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang umatras ang trak kung saan tumilapon ang biktima palabas ng sasakyan. Dito na nagulungan ng trak ang biktima kung saan naisugod naman sa ospital subalit idineklarang patay.

Show comments